Biyernes, Marso 24, 2017

TULA









Damdamin ng isang Manunula
ni: Martha Franchesca Flores

Naglakad sa kawalan
Walang sino man ang nakakaalam
Kumakapa sa kadiliman 
Hindi alam ang patutunguhan

Parang papel na nilukot
Parang daan na baluktot
Puso'y puno ng takot
Katanungan sa akin ay nakabalot


Anong mga dahilan
Bakit madalas nila akong iwan
Bakit kung kailan kailangan
Tsaka lang ako lalapitan

Sa lawak ng ating planeta
Kailan ko kaya makikita 
Ang isang tunay na kaibigan
Na kailan ma'y di ako magagawang iwan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento